Sa kasalukuyan nagsisimula pa lamang muli ang pagbangon ng
sinaunang kaugalian at pamama, mula nang nalugmok sa panahon ng mga mananakop.
Ang Baybayin
bilang sinaunang panulat ay napakalaki ng maiiambag sa kasalukuyang panahon sa
pagpapaatili ng mga pamana ng lahi. Isa din itong paraan para mapagbuklod ang
watak-watak na isipan ng mga Pilipino na karamihan ay makakanluranin sa pag-iisip.
Sa kasalukuyan ang Baybayin ay hindi ganuon
kahinog para makasabay sa takbo ng panahon. Karamihan sa mga Pilipino ay namulat
sa Alpabeto na ipinakilala ng mga kanluranin. Kung ihahambing nga naman ang
Alpabeto sa Baybayin ay napakalaki ng agwat kung kaunlaran ang pag-uusapan. Ang
Alpabeto ay kayang isulat ang mga tunog ng buo ngunit ang lumang Baybayin ay
kulang. Bakit nga ba hindi halos napaunlad ang Baybayin nuon. Ilan sa mga pangunahing
dahilan ay ang mga sumusunod.
1. Pagbagsak ng malalaking Imperyo at
kaharian sa Pilipinas at Indonesya.
2. Pagsakop ng mga mananakop na pumatay
sa kayamanan ng kaugaliang Pilipino.
3. Pagamit sa Baybayin para sa mga Sulat
Pag-ibig, Tula na may rhymes. Sa kasalukuyan ang ganitong paggamit ay
nananatili sa mga Mangyan sa pagsulat ng kanilang mga tula/ambahan o awit.
Ang ginamit sa pagtatala ng sinaunang Pilipino ay ang Kavi,
isang panulat na ginamit ng sinaunang Indonesia at Pilipinas. Isa sa
pinakamahalagang natagpuang kasulatan ng Kavi sa Pilipinas ay ang Sulat sa
Tansong Lapad na natagpuan sa Laguna. Ang kasulatan ay patungkol sa pagpapatawad kay Namwaran na sa Pamunuan sa Tundo sa ilalim ni Jayadewa. Ilan pa sa mga pook na
nabanggit ay ang Dewata(malapit sa Butuan) at Medan sa Indonesia.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento