Linggo, Setyembre 7, 2014

Makabagong Baybayin (Modern Baybayin)

Panimula sa Makabagong Baybayin

            Sa kasalukuyan nagsisimula pa lamang muli ang pagbangon ng sinaunang kaugalian at pamama, mula nang nalugmok sa panahon ng mga mananakop.
            Ang Baybayin bilang sinaunang panulat ay napakalaki ng maiiambag sa kasalukuyang panahon sa pagpapaatili ng mga pamana ng lahi. Isa din itong paraan para mapagbuklod ang watak-watak na isipan ng mga Pilipino na karamihan ay makakanluranin sa pag-iisip.
             Sa kasalukuyan ang Baybayin ay hindi ganuon kahinog para makasabay sa takbo ng panahon. Karamihan sa mga Pilipino ay namulat sa Alpabeto na ipinakilala ng mga kanluranin. Kung ihahambing nga naman ang Alpabeto sa Baybayin ay napakalaki ng agwat kung kaunlaran ang pag-uusapan. Ang Alpabeto ay kayang isulat ang mga tunog ng buo ngunit ang lumang Baybayin ay kulang. Bakit nga ba hindi halos napaunlad ang Baybayin nuon. Ilan sa mga pangunahing dahilan ay ang mga sumusunod.

1.      Pagbagsak ng malalaking Imperyo at kaharian sa Pilipinas at Indonesya.
2.      Pagsakop ng mga mananakop na pumatay sa kayamanan ng kaugaliang Pilipino.
3.      Pagamit sa Baybayin para sa mga Sulat Pag-ibig, Tula na may rhymes. Sa kasalukuyan ang ganitong paggamit ay nananatili sa mga Mangyan sa pagsulat ng kanilang mga tula/ambahan o awit. 

             Ang ginamit sa pagtatala ng sinaunang Pilipino ay ang Kavi, isang panulat na ginamit ng sinaunang Indonesia at Pilipinas. Isa sa pinakamahalagang natagpuang kasulatan ng Kavi sa Pilipinas ay ang Sulat sa Tansong Lapad na natagpuan sa Laguna. Ang kasulatan ay patungkol sa  pagpapatawad kay Namwaran na sa Pamunuan sa Tundo sa ilalim ni Jayadewa. Ilan pa sa mga pook na nabanggit ay ang Dewata(malapit sa Butuan) at Medan sa Indonesia.

Martes, Agosto 26, 2014

Lumang Baybayin II (Old Baybayin)

Pagbasa at Pagsulat

1.     Ang Lumang Baybayin ay karaniwang binubuo ng 17 sagisag.
       
A  I/E U/O BA KA DA A HA LA MA NA NGA PA RA SA TA WA YA

2.      Pagsulat ay ayun sa Pagbaybay ng mga Salita.

3.   Patunguhan sa Pagsulat ng bawat sagisag

4.   Antas ng Pagsulat

A.      Unang Antas o Karaniwang Pagsulat
B.      Pangalawang Antas
C.      Ikatlong Antas

Lumang Baybayin I (Old Baybayin)

I Panimula

        Ang Baybayin ay isang sinaunang panulat ng mga Pilipino. Ang mga panulat ay karaniwang binubuo ng 17 Titik : A, E/I, O/U, Ba, Ka, Da/Ra, Ga, Ha, La, Ma, Na ,Nga, Pa, Sa, Ta, Wa at Ya.

II Maikling Kasaysayan

        Unang Lumitaw sa kapuluan ng Indonesia at Pilipinas ang Kavi. Ang Panulat ay kamag-anakan ng panulat sa India, Thailand at karatig bansa.
        Nang lumaon bandang ika-13 hanggang ika-14 siglo ang Kavi ay nanganak ng panibagong panulat na unti unting lumaganap sa Kapuluan ng Timog Silangang Asya. Bagamat nabuo ang bagong paraan ng panulat, ito ay nananatiling may hangganan sapagkat ang panulat ay karaniwan lamang ginagamit sa mga tula, sulat-pag-ibig at awit. Sa kasalukuyan makikita ang ganitong paraan ng paggamit sa mga Mangyan.
          Ang bagong panulat ay lumaganap sa Ilokos, Bikol, Zambales, Pampanga, Manila at ilang pulo sa Indonesia.  Sa bawat pook o kaharian  ng mga isla ay may kanya kanyang paraan sa pagsulat gayunman hindi parin maikakaila ang pagkakahawig sa isa't isa.
          Sa kanlurang Mindanao nalinang ang panulat ng mga Arabo sa kadahilanang mas tinanggap dito ang relihiyon kasabay ng kalakalan sa pook.  Sa Butuan at Bohol ay sinasabing ibang panulat din ang nalinang -ang Eskaya o Matandang panulat ng Butuan at Bohol.

III  Salitang Pantawag sa Bagong Panulat

          Sa pagdating ng mga Kastila ang sinaunang panulat ay tinawag sa mga sumusunod na pangalan: "Sinaung Panulat ng mga Tagalog",  "Sinauna o Matandang Panulat ng Pilipinas". Ang panulat na ito ay walang anumang katawagan nuon. Isa sa maaring katawagan ng panulat ay kung saan ito ginagamit tulad ng "Panulat ng Tagalog o Katagalugan", Panulat ng Kabisayaan atbpa.
          Bandang taong 1914 ng ginawa ni Paul Versosa ang salitang Alibata(Alif-Ba-Ta) na iwinangis sa pagkakasunod-sunod ng panulat ng Arabo na gingamit ng mga Maranao.
           Ang salitang Baybayin bilang pantawag sa panulat ay itinawag ng makabagong Baybayinista ilang dekada lang ang nakakaraan.


IV  Mga Labi ng Baybayin

          Ang mga sinaunang Pilipino ay gumamit ng mga Dahon, Balat ng Kahoy at Kawayan bilang sulatan at Punyal/Patalim bilang panulat.   Ang ganitong paraan sa pagsusulat ay napanatili hanggang sa ngayun ng mga Mangyan at ilang pangkat sa Mindoro at Palawan.
         Sa dahilang mababa ang uri ng mga ginamit sa pagsulat ,iilang mga Labi lamang ang natagpuan na karaniwang nakasulat sa matitigas na bagay. Ilan sa mga naiwang bakas ng sinaunang Baybayin ay ang mga sumusunod:

1.) Palayok ng Kalatagan
           Ang Paso ay natagpuan sa Kalatagan sa Batangas at sinasabing ginawa bandang 1300 AD. Sa paikoty nito malpit sa labi ng Pot ay makikita ang sinanunang panulat ng Pilipinas. Ang kudlit nito ay hawig sa kasalukuyang ginagamit ng Tagbanwa ng Palawan, ngunit ang sa Tagabanwa ay nakapaharap sa kabila.

2.) Garapon o Sisidlan mula Luson
          Bandang 1500-1600 nang sumikat sa Japan ang mga Garapon o Sisidlan na mula Borneo at Pilipinas dahil sa angking taglay ng mga ito. Karaniwag ginaamit ang mga ito sa mga ritwal at pagdiriwag. Ang mga JARS na mula Luzon ay inukitan ng sinaunang panulat ng Pilipinas ang Baybayin.


3.Mga Kasulatan at Tala sa Panahon ng Kastila
          Napalitan man ng Alpabeto ang Baybayin nanatili parin ang ilang mga Tala mula sa mga Kastila. Ilan sa mga Aklat at Tala na may Baybayin o nasulat sa Baybayin ay ang mga Sumusunod:

  • Doctrina Christiana - 1593
  • Vocabulario de lengua Tagala - 1613
  • Pagbenta sa Lupa  - 1629



4. Bato mula Masbate o Bato ni Rizal
          Ang  dalawang bato ay natagpuan nuong 2011 bilang pagpagan ng mga tsinelas at sapatos ng isang paaralan sa Masbate. Nang lumaon ay kuminis ang bato at lumitaw ang mga nakasulat ditong Baybayin. Ang tanda nito ay kasalukuyang inaalam ng mga bihasa sa larangan. Natagpuan man ang sinasabing sinaunang labi ng Baybayin ay hindi parin maikakaila na ito ay hindi ganuon katanda ayun sa mga Mananalaysay at Baybayinista.


-Kasalukuyang ginagawa-